Wednesday, August 19, 2009

alone in the dark.......


TRYING TO FIX THINGS................
FIGHT FOR EMOTIONAL PROBLEMS........
KEEP AWAY FROM DEPRESSION...........
BE POSITIVE IN LIFE.................

Saturday, August 15, 2009

Riley.........

11 weeks ng mawala ang baby ko, ganito na siya kalaki. Hindi ko man lang nalaman kung baby boy ba siya o baby girl.....

Sabi nila, mas maganda na daw na mas maaga na nawala na yung baby kesa sa malaki na daw siya. Pero para sakin, wala din pagkakaiba yun, dahil pareho din naman masakit at pareho din naman ako nawalan ng baby. Maaga man o mas tumagal..... masakit pa din. Iniisip ko pa din ang baby ko na sana nabuo siya at nailabas ko kasamanamin.....

Riley....yan dapat ang pangalan ng baby ko. Hindi pa man inasahan na namin na baby boy siya. Riley means brave and courageous. Pinagsama-sama naming pangalan ng asawa ko at ang panganay namin (Rey-Leth-Lhey).


But now, he/she is gone..... hindi ko na maibibigay ang pangalan na yun sa kanya. At kailangan ng magmove on. Pero papaano, kung may mga gabing naiisip at iniiyakan ko pa din siya? Masyado akong nagexpect.... 6 yrs. namin siya hinintay......

I know your an angel now...... pls. guide ate lhey para maging mabuti siyang bata. Guide dada to take care of mama and lhey. And guide me para maging normal uli ang takbo ng buhay...... I' a m missing you.....na andito ka sa tyan ko. Hindi ka namin makakalimutan baby.....

Tuesday, August 11, 2009

im sick........

August 4, 2009 - nilalagnat ako, sana hindi naman ako nabinat. Dahil sa inabot kong stress kahapon kaya eto, masama pakiramdam ko ngayon. Uminom ako ng gamot at pahinga maghapon. 4 days pa lang ang nakakraan ng maraspa ako, kaya hindi pa ganun kalakas ang katawan ko. 2 weeks ang advice sakin na pahinga.

Ngayon, kailangan ko muna unahin ang kalusugan ko. Hayaan ko muna ang mga problema at iiwas muna ako sa stress. Mahirap balikan ng binat. Masakit na sa katawan, masakit pa sa bulsa. Ang dami ko kasi iniisip, kung ano-ano na pumapasok sa isip ko. Ang dami ko kinakatakutan. Pero simula ngayon, higit sa lahat, higit kanino pa man at higit ano pa man............ this time, buo na ang pasya ko, uunahin ko muna magpalakas, uunahin ko muna ang kalusugan ko. Hang muna ang lahat, saka ko na lang babalikan.

check-up.........

Cysts form if a sac does not dissolve. Fluid then builds up causing the cyst to grow bigger in size. Cysts can grow anywhere up to four (4) inches in size. Other complications can be caused by the presence of these cysts as well. In some cases these cysts can become twisted, or may rupture which can cause bleeding and also induce pain. These cysts are usually not cancerous.


August 3, 2009 - Check-up sa ob. gyne para matingan yung cyst ko after na maraspa. Sabi ng iba, pag daw niraspa ka, nasasama na daw naalis yung cyst. Sabi ko nga, sana nga nasama ng naalis. Pero mali, sabi ni dra. magkaiba daw yun. Advise sakin ni dra. na under observation pa ako ng 2 months, after 2 months, ultrasound uli para makita kung nawala na o mas lumaki pa. 4cm. pa lang naman daw ang laki ng cyst ko, ang inooperahan daw nila ay 6cm. na ang laki. Maghihintay pa ako ng 2months, nakahang......., kung pwede ko lang na hilahin na ang 2 buwan. Sana matapos na ito. Nag-aalala pa ang asawa ko sakin, ang hirap pa naman ng trabaho nya, imbis na nakaconcentrate siya sa work nya. Nahihiya na din ako dahil sa dami ng gastos. Kasasampa pa lang naman nya kaya napupunta sakin halos ang naitabi nya. Wala na pwedeng gawin ngayon kundi ang magdasal....... higit pa man sa anuman, dasal na lang.......At salamat sa mga taong nagbibigay sakin ng lakas ng loob dahil sa mga advice nila at sa pagsuporta sa pamamagitan ng pag kailangan ko ng makakusap, anjan sila para makinig. Ang makakausap at makikinig sakin sa panahon na ganito, yun ang importante sakin. Napakalaking tulong na yun..............

Bakit pag dinatingan ka ng problema sunod-sunod....... itong araw na ito, sobra ang inabot kong stress. Nagkaproblema sa pagpapatransfer ng titulo ng lupa namin kaya after ng check-up, diretso ako agad sa office. Kahit masama ang pakiramdam, inayos ko, kailangan ayusin at hindi pwede saka na lang. Alas tres na ng hapon ako nakakakain ng tanghalian. Pag-uwi ko, patang pata ang katawan ko. At pag-uwi pa sa bahay, may problema pa din. Kahit hindi man napagod ang katawan ko, pagod naman ang utak ko dahil sa sandamakmak na stress na inabot ko sa araw na ito.


Monday, August 10, 2009

mother's grieving heart..........



How can something like this happen to two people who wanted a baby so much? How can it happen to two people who are good parents and want to share their love with a child? How can it happen to people who have a belief system and try to live their lives accordingly? The questions can go on and on. I just wish that with the wisdom I have gained I could say I have an answer, but I don't. I think the closest thing to an answer I can come up with is that there is no answer.

However, I can assure that are likely going to hear all sorts of theories from people who are trying to make me feel better. Things like, "it was meant to be," and "God has a plan for all of us," "there must have been something wrong," or, "you just have to try again." Again, the comments will go on and on. i just keep in my mind that most of those people are simply trying to find the same answers and sincerely attempting to be helpful.

But the pain is still in there....

A child that loses a parent is an orphan.
A man who loses his wife is a widower.
A woman who loses her husband is a widow.
There is no name for a parent that loses a child,
for there is no word to describe this pain.


thank you..........


And I just realized na kahit ano man ang tampo mo sa mga kapamilya mo, sila at sila pa din ang matatakbuhan at tutulong sayo sa oras ng pangangailangan..........

Maraming salamat sa lahat ng kapamilya ko na tumulong at dumalaw sakin nung nasa hospital ako. Wala man yung asawa ko para makasama ko, anjan sila para tingnan ako............

Sa mga kachat ko na nag-alala para sakin, sa mga binigay nilang "words of wisdom", at sa pagpapalakas ng loob ko, maraming salamat.......

At sa mga hindi dumalaw o nakadalaw sakin na mga kaibigan at kapamilya ko, kahit na nagtampo man ako sa inyo, alam ko na nag-alala pa din kayo para sakin. Maraming salamat..........

Higit sa lahat, sa asawa ko na kahit wala siya sa tabi ko, ginawa pa din ang lahat para suportahan ako nung nasa hospital ako. Salamat sa walang sawang pagmamahal at pag-aalaga.........

Hindi ako nag-isa sa oras ng pangangailangan at sa oras ng kalungkutan......

Maraming salamat.................!

Sunday, August 9, 2009

wedding anniversary while grieving.....



July 30, 2009 - how we can celebrate our wedding anniversary if our baby is gone? Happy ba o sad anniversary ang dapat natin igreet sa isat-isa?

Nasa hospital pa din ako, 3:00 am, tumawag ang asawa ko. Kakagising lang daw nya ng mga oras na yun. Nareceived daw nya yung text ng kapatid ko. Dapat magduduty siya that time, pero nagpaalam siya sa manager nya. Ayaw pa nga daw siya payagan, pero ng makita na mangiyak-ngiyak na siya, napayagan na din siya. Ang tanong nya agad sakin, ano ang nangyari? Nang malaman nya na lahat kung ano at pano, sobra siya nalungkot. Alam ko, at ramdam ko na sobra siya nasasaktan. 2 days before bago ako makunan, ang sabi nya sakin sa text, tatawag daw siya sa anniversary namin, kinukumusta nya yung baby, malaki na daw ba. Gusto daw nya makita sa web cam ang tyan ko. Ginagawa nya raw inspirasyon kaming tatlo. Pero, hindi na pala mangyayari na makikita nya pa ang baby namin kahit man lang nakabukol sa tyan ko. Hindi ko na namalayan na tumutulo na ang luha ko habang kausap ko siya, umiiyak na ako. Kailangan ko siya sa tabi ko ngayon, pero kailangan kong intindihin na hindi ganun kadali na makasama siya.

Nagbatian pa din kami, sabi ko sa kanya, sa lahat ng anniversary namin, ito na malungkot. Nagcecelebrate kami ng wedding anniversary pero pareho kaming nagluluksa. Sobra tagal na hindi kami dinadatingan ng mabigat na pagsubok, pero heto, sinusubukan kami ng tadhana. Tinitingnan kung hanggang saan.

Sinabi ko sa asawa ko na may nakita ngang cyst sakin. Basta ang sabi nya, wag ko na muna intindihin yun. Ang intindihin ko muna ay yung paglakas ko. Kailangan ko muna makabawi ng lakas. After nyang tumawag, hindi na ako nakatulog pa nun. Yung oras na paglabas ko ng operating room ng july 29 bandang 8:00 pm hanggang sa lumabas ako ng hapon july 30 wala akong tulog. Epekto siguro ng gamot, dahil kahit ano gawin kong matulog, hindi talaga ako makatulog. Inaantok na ako, laglag na ang mata ko, pero ang diwa at isip ko ay gising na gising. Pag pinipilit ko, sumasakit lang ang ulo ko.

hospital.......


July 29, 2009 ( 8:41 pm) - halos kalalabas ko lang sa operating room, natapos ang pagraspa sakin. Hindi ko alam na kinuhanan pala ako ng picture ng kapatid ko, hiningi ko lang sa kanya ito. Dapat nga daw kukuhanan nya ako ng video kaso hindi na daw nya nagawa dahil naunahan na siya ng nerbyos ng makita nyang naghahalucinate ako dahil papalipas na yung gamot na tinurok sakin.

Sobra sakit ng nararamdaman ko, parang hinihiwa yung katawan ko dahil sa sobrang sakit ng balakang ko. Nahihilo at hindi maigalaw ang katawan. Naalala ko pa ng ikwento sakin ng step-mother at ng kasambahay ko kung ano nangyari habang naka high pa ako at papalipas pa lang yung gamot na tinurok sakin. Umuungol tapos nagsisigaw daw ako at iyak ng iyak. Binabanggit ko daw ang asawa ko. Tinatanong ko kung nasan ako at kung ano-ano pa daw ang mga pinagsasabi ko. Kaya pala ng mahimasmasan na ako, namamaga mga mata ko. Tapos unti-unti, nakakakita na ako, malabo nga lang pero nakakaaninag ako. Nakikita ko mga mukha nila pero malabo. Hindi ko maigalaw ang ulo ko, dahil sa twing gagawin ko nahihilo ako. Humihingi ako ng tubig dahil pakiramdam ko natutuyuan na lalamunan ko. Ayaw nila ako bigyan dahil hindi pa daw pwede. At ng malinaw na ang paningin ko at konti na lang ang pagkahilo, nakaramdam ako ng gutom. Hindi pa din pala pwede kumain hanggat may hilo pa ako nararamdaman. Pag pala uminom o kumain na hindi pa talaga nakarecover, magsusuka lang. Kahit nga unan hindi pwede. Ang hirap talaga....... ngayon lang ako naniwala sa sinasabi nila na dibaleng manganak ka na, wag ka lang makunan at maraspa. Mas masakit at mas hirap ang katawan.



Saturday, August 8, 2009

my second ultrasound.....




July 29, 2009 - ano nga ba ang dapat maramdaman ko sa araw na ito? Pwede bang isipin ko na lang na isang bangungot at pag nagising ay wala na ang malungkot na pangyayaring ito? O baka pwede na lang i-erase yung chapter na ito sa buhay ko?

This day, nasa school ako ni Lhey para panoorin siya na magperform para sa nutrition month nila. Hindi ko akalain na sa araw na iyon mismo darating ang isang pagsubok na hindi ko inaasahan. Habang hinihintay ko na matapos magperform si Lhey, naramdaman ko na parang may lumalabas sakin. Alam ko na spotting na naman yun. Ang inaalala ko that time, baka matagusan ako dahil hindi ako nakapads. Nang matapos si Lhey, hindi na namin pinatapos pa ang buong program, diretso kami agad sa jollibee and then pasok ako agad sa c.r. Sobra lakas na ng bleeding ko kaya halos naubos yung tissue sakin. Kumain muna kami dahil inaakala ko na katulad lang din ng dati. After kong kumain, bumalik ako uli sa c.r. para palitan yung tissue baka hindi ako umabot umuwi matagusan pa ako. Pero pagpapalit lang sana ng tissue ang gagawin ko, nagtagal ako ng husto sa loob. Hinayaan ko muna umagos yung dugo sa toilet..... at pagtingin ko, buo2 na yung lumabas. Kinabahan na ako nun. Natatandaan ko pa yung sinabi sakin ng ob. gyne ko, ok lang magbleed basta hindi buo2 ang lumalabas. Dumiretso na ako agad sa clinic dahil iba na ang pakiramdam ko. Wala dun yung ob. ko, ang nandun lang ay yung karelyebo nya. Sa kanya na ako nagpatingin, tiningnan kung nakabukas yung matris ko. And she said, na nakukunan na ako. I was shock pero hindi pa din ako nawalan ng pag-asa. Mismong oras na yun, pina-ultrasound nya na ako para mas makasigurado siya. After 1 hour lumabas yung result and..................wala na nga yung baby ko. Wala ng heart beat! And they found out na may cyst ako sa right ovary. Hindi ko inaasahan pa na madadagdagan pa ng isa pang pangit na result ang ultrasound ko. Mangilid ngilid ang luha ko, pilit na pinipigilan umiyak, pilit na nagprepretend na matatag ang loob ko. Pero ang puso ko, nalulunod na sa luha.

Hindi ko alam kung bakit, saan at ano ang mali? Bakit nangyari? Although nagblibleed ako pero healthy ang baby ko. At ngayon may sakit pa ako, cyst......? Hindi ko halos mapaniwalaan! Hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko. Ano ba ang dapat ko unahin? Sinabihan na ako ng ob. gyne na kailangan ko daw magparaspa. Hindi ako makapag-isip, wala pa naman talaga yung ob.gyne ko. San ako pupunta hospital para magpaparaspa?

Sinamahan ako ng step-mother ko sa hospital at kakilala nya yung ob. gyne dun. Pinaadmit nya ako ora mismo. Sa hindi ko malamang dahilan, bigla ako kinbahan. Lalo na ng malaman ko na papatulugin daw ako. Papano kung hindi na ako magising? Inunahan na ako ng ng kaba nun. Ano ba naman ang pagkaka-iba nito nung macesarian ako? Iba......bigla ko naisip ang asawa ko. Wala siya sa tabi ko, hindi katulad dati. Ilang beses na ako tinatawag ng nurse, hinihintay na daw ako ni dra. pero ang dami ko pa dahilan. Andun umuwi ako sa bahay, kasama ko kasambahay ko para kumuha ng mga gamit. Andun na pinagtetext at pinagtatawagan ko muna mga kaibigan at mga kamag-anak ko. Wala pa alam ang asawa ko ng mga oras na yun, tinext ko lang siya na tawagan nya ako pero hindi ko sinabi sa kanya ang buo detalye. Ni hindi ko alam kung may signal ba siya that time.

Pumasok na din ako sa operating room, bahala na............



Friday, August 7, 2009

bleeding again.....


July 21, 2009 - nag-i-start na naman ako dinudugo, minsan malakas pero minsan naman mahina lang parang spotting. This time, alam ko na gagawin ko, basta sabi ng ob. gyne ko, inom lang me ng hemonstan para tumigil ang bleeding. Mejo kabado pero hindi na ganun katulad nung una. Pero hirap pa din ako maintindihan talaga kung bakit ganito ako magbuntis ngayon. Ako ang buntis na nagmemens every month. Hindi naman masasabi na pagod ako o stress. Wala naman ako ginagawa kundi mahiga maghapon, pinagpapanik na nga ako ng kasama ko sa bahay ng pagkain dito sa kwarto. At hindi naman nga ako lumalabas para mamasyal at matagtag. Inip na inip na nga ako dito sa bahay. Wala ako magawa kundi manood ng dvd sa maghapon o kaya itulog na lang ang pagkainip. Nakuha ko na nga maadik at maging fans ng mga korean novela kakanood ng dvd's. Ang hirap nga eh, hindi man nga ako makapunta ng mall. Yun na nga lang ang bisyo ko paminsan-minsan. Tinitiis ko na lang ang lahat ng pagkabagot, para naman sa baby ko ito. Hindi din naman ako stress, ano naman ang ikakastress ko? So far, wala naman kami problema mag-asawa na hinaharap. Umiwas na rin ako sa mga taong makakapagdulot ng stress sakin. Minsan, bwisit ako sa kasambahay ko dahil napaka-adik sa cellphone pero hindi naman matatawag na stress yun. Saka mejo tumino-tino naman na kahit papano simula ng makita nya may papalit sa kanya.

Sana naman, wag na lumakas itong pagblibleed ko. Pray lang palagi. At salamat sa mga taong nagsasabing pinagdadasal daw nila kami ng baby ko.

Wednesday, August 5, 2009

palpitate......


July 1, 2009 - bad news and good news..... andito na naman ako sa ob. gyne, check-up uli na dapat sa july 6 pa . The bad nesw is, hindi ko na matiis ang paninikip ng dibdib ko. Nagpapalpitate ang puso ko, minsan buong maghapon at mas madalas sa madaling araw kaya napupuyat ako. Masyado malalakas yung mga gamot na iniinom ko kaya hindi ko kinakaya. So, inadvisan ako ng ob gyne ko na wag na muna uminom ng pampakapit. Saka na lang daw, pag kinakailangan uli. Ang sabi nya, side effect nga daw yun nung gamot. And the good news is hindi na ako dinudugo kaya pwede na din ihinto yung pag-inom ng Hemonstan. Pag kailangan na lang daw saka ko itake uli. Hindi ko na din iniinom yung vitamins na pinadala ng kapatid ko galing sa US, hindi ko kapad, isa pa yun sa nagpapasikip ng dibdib ko. Sayang nga, dahil 1 yr. supply yun. Hay.....ano ba ito.... ang hirap talaga, natapos na nga ako sa pagdudugo at pananakit ng balakang ko, eto namang puso ko ang kalaban ko. Sobra hirap, pero kaya tiisin para sa baby.

Kinukumusta ako palagi ng mga kamag-anak at kaibigan ko o kahit na kung sino lang jan na alam ang kalagayan ko. Sabi ko sa kanila, ok naman ako, hindi na dinudugo. Sabi nila sakin..... dirediretso na daw pagbubuntis ko, talagang magtutuloy na. Masaya naman ako dahil wala na ako sa stage na nangangamba. Nagpapalakas pa ng loob ko ang mga bawat sinasabi nila sakin.

7 weeks pregnant...........

7 weeks old fetus

7 weeks pregnant

June 27, 2009 - maaga namin cinelebrate ang 6th bday ni lhey together with our family and friends. May pasok kasi ang mismong bday nya sa June 30, kaya inadvance ko na. Although may bleeding pa din at masakit ang balakang, hindi ko naman hinayaan na hindi makapagcelebrate ang unica ija ko. Hindi naman ako nagpagod that time, may nagasikaso naman ng bday at hindi naman ako nakisali sa swimming. Mas matagal pa nga na nakahiga at nakapahinga ako. Hinayaan ko lang si lhey na magswimming kasama ng mga pinsan nya.

Nakaka 7 weeks na ako, although, mahirap pero masaya pa din dahil next yr. dalawang bata na ang magcecelebrate ng kanilang mga birtdays. Excited na nga rin si lhey na magkaroon ng kapatid. Gusto daw nya girl kaso gusto kasi ng dada nya boy, kaya boy na lang daw din.

Hindi pa man, may mga ninang at ninong na ang magiging baby namin. Sa sobra excited kumuha na agad. Heheheh!!! Friend ko na si Princess, si ate leah na magbabalikbayan next yr. kaya tamang tama ang pagdating nya. Nakaplano na din si ate Sally na pinsan ng asawa ko. At yung iba, iispin ko pa. :) Sa mga ninong, asawa ko na ang bahala dun. Siguro, mga kasamahan nyang seaman din. Iniisip ko na nga kung saan kaya bibinyagan ang second baby namin. Dun din kaya sa Hongkong Fortune kung saan bininyagan ang ate nya? Hmmmm.......

my first ultrasound......



June 26, 2009 - that's my first ultrasound, 6 weeks and 3 days with a heart rate of 171 BPM.

Ang sabi ng ob. gyne ko ay healthy ang baby at wala naman problema. Kaya nawala yung pangamba ko na baka mawala sakin ang baby ko. Sumugod ako sa ob. gyne ko dahil wala pa din hinto ang pagbleed simula ng last na ngpacheck-up ako sa kanya.

Pinapunta ako nun sa hospital para magpa-ultrasound at makita kung may heart beat pa yung baby ko. Dahil para daw nakukunan na ako kasi nga malakas na ang pagdudugo ko at sobra sakit ng balakang. Sinamahan ako ni ate Cristy(bilas ko), buti na lang at lagi nya ako pinapatawa at madaldal siya kaya kahit papano nakakalimutan ko yung nerbyos ko. And the good news, may heart beat naman at ok ang baby. Pinapainom na ang gamot ko para sa paghinto ng pagblebleed at pampakapit, 3x a day. At ang advice pa din bed rest at walang stress.

Iba na ang mararamdaman mo kapag nakita mo na yung baby kahit man lang sa monitor. Ramdam mo na siya at mas dun mo nanaisin na alagaan at i-save siya. Nang ibalita ko nga sa asawa ko na ok at healthy ang baby kahit papano nawala yung pag-aalala nya. Mahirap talaga magbuntis kapag wala sa tabi mo ang asawa mo lalo na kapag maselan ang pagbubuntis.

Monday, August 3, 2009

bleeding....


June 19, 2009 - after 3 days ng last check-up ko,bumalik ako sa o.b. ko para magpacheck-up. Sumakit ang balakang ko at higit sa lahat nag-iispotting ako. Kinabahan ako nun at nagtaka, dahil ang pagkakaalam ko pag buntis masama ang nagdudugo. Alam ko naman na, tapos na ako sa tinatawag na "pagbabawas" nung 1st week pa ng june.

So, chineck-up ako! Wala daw ako dapat ipag-alala sabi ng ob ko. Alagaan ko lang ang sarili ko, bawal magpagod, bawal magdrive, bawal ang stress at bed rest lang palagi. Inumin ko lang daw lahat ng vitamins ko at pampakapit. Binigyan din ako nun ng Hemonstan para pampatigil ng dugo. Lahat ng pinayo ng ob ko sakin, sinunod ko. Kahit masakit na likod ko sa pagkakahiga, magpahinga lang. Kahit mahal ang mga gamot, binili ko. Dati, kahit ano klase ng gamot halos hindi ko iniinom, kaya nga ayoko umiinom ng vitamins. Pero ngayon, kahit nakakasuka, kailangan inumin lahat ng gamot. Kahit hindi ako mahilig sa prutas, kumain ako ng kumain. Pati sa pag-inom ng tubig nakamonitor. Lahat, sinunod ko para lang maalagaan ko ang pinagbubuntis ko.

Ang hirap ko magbuntis ngayon sa second baby ko. Hindi katulad sa panganay ko, wala akong problema. Parang normal nga lang nun, parang hindi man ako buntis. Hindi ko naranasan yung hirap na nararanasan ko ngayon dati sa panganay ko. Dati, nakakakilos ako sa gusto ko at nakakabyahe pa ako nun. Pero ngayon, nakakulong ako sa bahay. Hindi ko na alam kung ano nangyayari sa labas. Buti na lang at may internet kahit papano, napaglilibangan ko.

im preggy, again.....


June 16, 2009 - the day before na papanik muli ng barko ang asawa ko, nagpregnancy test ako para malaman namin kung nabuntis ba ako. Tuwang tuwa kami ng ang result ay positive. Pabaon para sa asawa ko and gift na rin for father's day. Best ever gift nga na nareceive nya para sa araw na yun. Matagal na nasundan ang panganay namin kaya excited kami pareho para sa second baby namin. Pati mga nasa paligid namin masaya para samin. That day, nagpacheck-up na ako sa o.b. ko para makasigurado na ok ang lahat. Binigyan ako ng vitamins at ng pampakapit. Hindi pa man, pinaghahandaan na namin ang baby namin. May mga damit na siya at kahit 1 buwan siyang magbihis na hindi naglalaba, mayroon pa din siyang isusuot. Hindi pa nga ako nabubuntis may pre-natal vitamins na agad ako. Nagtatabi na para sa pang cessarian. Ganun kami kaexcited para sa kanya. Nakaplano ang lahat.