11 weeks ng mawala ang baby ko, ganito na siya kalaki. Hindi ko man lang nalaman kung baby boy ba siya o baby girl..... Sabi nila, mas maganda na daw na mas maaga na nawala na yung baby kesa sa malaki na daw siya. Pero para sakin, wala din pagkakaiba yun, dahil pareho din naman masakit at pareho din naman ako nawalan ng baby. Maaga man o mas tumagal..... masakit pa din. Iniisip ko pa din ang baby ko na sana nabuo siya at nailabas ko kasamanamin.....
Riley....yan dapat ang pangalan ng baby ko. Hindi pa man inasahan na namin na baby boy siya. Riley means brave and courageous. Pinagsama-sama naming pangalan ng asawa ko at ang panganay namin (Rey-Leth-Lhey).
But now, he/she is gone..... hindi ko na maibibigay ang pangalan na yun sa kanya. At kailangan ng magmove on. Pero papaano, kung may mga gabing naiisip at iniiyakan ko pa din siya? Masyado akong nagexpect.... 6 yrs. namin siya hinintay......
I know your an angel now...... pls. guide ate lhey para maging mabuti siyang bata. Guide dada to take care of mama and lhey. And guide me para maging normal uli ang takbo ng buhay...... I' a m missing you.....na andito ka sa tyan ko. Hindi ka namin makakalimutan baby.....


No comments:
Post a Comment
comments and reactions....