August 4, 2009 - nilalagnat ako, sana hindi naman ako nabinat. Dahil sa inabot kong stress kahapon kaya eto, masama pakiramdam ko ngayon. Uminom ako ng gamot at pahinga maghapon. 4 days pa lang ang nakakraan ng maraspa ako, kaya hindi pa ganun kalakas ang katawan ko. 2 weeks ang advice sakin na pahinga.Ngayon, kailangan ko muna unahin ang kalusugan ko. Hayaan ko muna ang mga problema at iiwas muna ako sa stress. Mahirap balikan ng binat. Masakit na sa katawan, masakit pa sa bulsa. Ang dami ko kasi iniisip, kung ano-ano na pumapasok sa isip ko. Ang dami ko kinakatakutan. Pero simula ngayon, higit sa lahat, higit kanino pa man at higit ano pa man............ this time, buo na ang pasya ko, uunahin ko muna magpalakas, uunahin ko muna ang kalusugan ko. Hang muna ang lahat, saka ko na lang babalikan.


No comments:
Post a Comment
comments and reactions....